Nilinaw ng dating diplomat na si Atty. Jojo Lacanilao na walang paglabag sa due process o constitutional issue sa pag-withdraw ng prosecution team sa tatlong artikulo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Nilinaw ng abogado na hindi pamamalamang o taktika ang naturang paraan kundi isang hakbang upang makatipid sa oras ang dalawang panig sa pagtalakay sa kaso.

Bukod dito, ipinahayag ng opisyal na malaki ang tiwala ng prosekusyon sa ikalawang artikulo batay sa mga ebidensya mula sa mga bangko at AMLC ukol sa hindi idineklarang ari-arian ng Bise Presidente.

Dahil dito, ipinahayag ng dating diplomat na inaasahan ngayon ng lahat ang ilalabas na kontra-datos mula sa depensa upang sagutin ang mga naturang akusasyon.