Walang tao o magnanakaw sa gobyerno ang maglalagay sa SALN ng perang nagmula sa nakaw at ilegal na paraan—ito ang paliwanag ni Daniel Nobleza ng Inday Sara Movement Philippines kaugnay ng mga akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ng grupo na hindi korap ang Bise Presidente at ang kanyang asawa na si Atty. Mans Carpio, habang ginagamit lamang umano ng mga kalaban sa politika ang bank secrecy upang sirain ang pangalan ng Bise Presidente.
Nilinaw ng grupo na malinis at tama ang pagdedeklara ng Bise Presidente sa mga yamang nagmula sa sariling negosyo at trabaho bago pa man ito pumasok sa serbisyo publiko.
Idinagdag pa ng opisyal na ang lungsod ng Davao ang buhay na saksi sa kabutihan at katapatan ng paglilingkod ng Bise Presidente para sa mamamayan.










