Walang nakatagong ari-arian si Vice President Sara Duterte at nakadeklarang lahat sa kanyang SALN!

Ito ang pinanindigan ni Ateneo de Davao University Philosophy Professor Christopher Ryan Maboloc matapos maiprisinta ng depensa ang mga testigong nagpapatunay na ang kinuwestiyong mga lupa sa Samal at Davao ay nakarehistro sa kanyang dokumento.

Ipinaliwanag ni Maboloc na sa lupa sa Samal, may pagbabago lamang sa pangalan ng barangay batay sa lumang titulo ngunit iisang ari-arian lamang ito.

Nilinaw rin ng propesor na ang natanggap ng bise presidente mula sa City Accountant ng Davao ay hindi double compensation kundi differential lamang sa Salary Standardization Law matapos makakumpleto sa lahat ng hininging dokumento.