CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P5 million ang danyos sa pagkasunog ng bodega ng isang telecommunications company dito sa may Max Suniel Street sa Barangay Carmen nitong lungsod.
Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection o BFP ang dahilan ng sunog subalit naniniwala si Cagayan de Oro District Fire Marshall Supt Allan Cabut na ang tuluy-tuloy na heat combustion o electrical short circuit ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.
Ayon kay Cabut, karamihan sa mga nasunog na ari-arian ay ang mga supply na fiber optic wires at mga baterya sa loob ng bodega nga Philippine Long Distance Telephone o PLDT-Philcom.
Ngunit, nilinaw ni Cabut na posibleng madagdagan pa ang danyos ng sunog dahil hanggang ngayon ay hindi pa naapula ang apoy sa loob ng warehouse.