CAGAYAN DE ORO CITY – Nasungkit ng Xavier University, Ateneo de Cagayan ang unang spot bilang Top Performing School sa inilabas na resulta ng June 2017 Nursing NLE Board Exam.
Ayon kay BS Nursing Dean Romana Palad, nakuha ng kanilang mga estudyante ang 100% sa bilang ng nakapasa.
Ngayong taon, aabot sa 60 nursing graduates ang kumuha ng pasulit.
Kabilang sa top 5 Performing Schools ng bansa ay ang sumusunod:
1 XAVIER UNIVERSITY 60 60 100.00%
2 WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY-LA PAZ 126 125 99.21%
3 BICOL UNIVERSITY-LEGAZPI 103 87 84.47%
4 UNIVERSITY OF PANGASINAN 67 56 83.58%
5 ATENEO DE ZAMBOANGA 119 96 80.67%
(PRCBoard.com)