The Yanson Four with their two lawyers

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng tinaguriang ‘Yanson 4’ na handa silang sundin anuman ang desisyon ng korte kaugnay sa kinahaharap nilang ‘family business fued’.

Ito ang naging pangako ng magkapatid na Roy,Emily,Celina at Ricky Yanson Jr sa panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Bachelor Express President Emily Yanson walang katotohanan ang akusasyon na gusto nilang ma-solo ang yaman ng kompaniya dahil ang legalidad lamang sa pag-angkin ng nito ang kanilang ipinaglalaban.

Aniya, nanatili pa rin ang kanilang respeto at pagmamahal sa kanilang ina na si Olivia Yanson.

Si Bachelor Express President Emily Yanson

Iginiit naman ni Atty Shiela Sison, ang isa sa mga legal counsel ng pamilya na walang plano ang kaniyang mga kliyente na gawing marahas ang pagbawi sa control ng Yanson Group of Bus Companies (YGBC) lalo pa’t sila ang legal na nagmamay-ari ng mga shares ng kompaniya.

rpt

Samantala, ipinangako naman ni Rural Transit Mindanao Incorporated President Roy Yanson na kung makuha na nila ang kontrol ng buong YGBC, hindi nila ipagpapatuloy ang mala-militar na set up nang mga terminals nila at ipinapangako nila sa kanilang riding public nationwide ang paghahatid ng magandang serbisyo.

Si RTMI President Roy Yanson

Una nito, sinabi ni Celina Yanson-Lopez na hinangad pa rin umano ng tinaguriang ‘Yanson 4’ na tuluyang magkaayos na ang malalim na bangayan ng pamilya.

Nilinaw rin nito na hindi nila ginusto na magkagulo at mahati ng dalawang paksyon dahil lamang sa sigalot na pamamahala ng kompanya.

Nagsimula umano ang matinding alitan ng binago ang dati na sanang napagkasunduan bago namatay ang YGBC founder na si Ricardo Yanson Sr.

Si Vallacar Transit President Celina Yanson

Sina Leo Rey Yanson at Ginnette Yanson Dumancasa ay nasa panig ng kanilang ina dahilan na mayroong dalawang namamahala sa pinakamalaking bus company sa Asya.