Magagalak na ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ng lungsod ng Cagayan de Oro matapos maglabas ng opisyal na kautusan si Mayor Rolando “Klarex” Uy sa Local Finance Committee upang mabilisang iproseso ang kanilang mga bonus.
Alinsunod sa inisyung memorandum order ng Mayor sisimulan na ng mga payroll officer at department head ang pag-aasikaso sa Year-End Bonus na nagkakahalaga ng isang buwang suweldo at ang Limang Libong Piso na Cash Gift sa bawat qualified na empleyado.
Inaasahang matatanggap na ng lahat ng empleyado sa City Hall ang mga naturang insentibo bago matapos ang kasalukuyang buwan ng Nobyembre.











