CAGAYAN DE ORO CITY – Namimigay ngayon ng libreng face masks at ibang health protecting gears ang pinakamalaking bus company sa rehiyon ng Asya para sa kanilang mga empleyado at mga pasahero sa buong bahagi ng bansa.
Ito ay bilang tugon ng Yanson Group of Bus Companies (YGBC) sa hiniling ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga empleyado at mga pasahero laban sa tumitindi na Nobel Corona Virus na banta sa health security ng publiko.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Rural Mindanao Transit Incorporated (RTMI) Bulua Branch spokesperson Celler Estologa na prayoridad kasi ng YGBC president Leo Rey Yanson ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado kaya tinugunan ang kahilingan ng gobyerno.
Inihayag ni Estologa na maliban sa face masks,nangmumudmod rin ang YGBC ng hand sanitizers katulad ng alcohol para maibsan ang kinaharap na suliran ng gobyerno.
Nilinaw rin nito na ang pamimigay na libre nila ng anti-corona virus health paraphernalia ay ginawa lamang sa mga terminal na nakabase ang kanilang bus sa buong bansa.
Bagamat hindi binanggit kung magkano ang inilaan na pondo para sa inisyatiba na ito ng kompanya subalit tiniyak nila na hangga’t magpapatuloy ang dala na banta ng bayrus ay walang tigil ang kanilang pamimigay nito sa YGBC branches personnel at mga pasahero.
Kung maalala,gumawa rin ng kontrobersya ang kompanya taong 2019 dahil nabuo ang dalawang paksyon ng pamilya na parehong gusto pangungunahan ang pamamahala ng YGBC sa bansa.