CAGAYAN DE ORO CITY-Sinisiguro ng mga opisyal na masusunod parin ang health protocol sa evacuation center kung saan pansamantalang sumisilong ang 57 pamilya na apektado sa sunog sa Brgy Puntod nitong lungsod.
Sinabi ni Brgy Puntod Kapitan Trexie Tinampay habang naghihintay na muling maitayo ang 28 bubong na nilamon ng apoy, kanilang ipapatupad ang tamang distancing at pag-oobliga sa mga biktima na magsuot ng facemask dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Tinampay, wala naman silang namomonitor na nagkasakit sa mga biktima maliban na lamang sa isang bata na kinagat ng aso.
Nilinaw din ng opisyal na wala silang plano na magdeklara ng state of calamity dahil sapat naman ang tulong na naibigay sa mga apektadong residente.