CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9175 (PRRD Directives Campaign Against Unlawful Destruction of Natural Resources) ang tatlong mga illegal loggers sa Purok 7, Brgy Southern Looc, Plaridel Misamis Occidental.

Kinilala ang mga suspek na sina Diego Bao-as, 60, Jarne Bao-as, 30 at Eddie Bongcawel, 53 na pawang mga residente sa Purok 2 sa nasabing Barangay.

Sinabi ni Plaridel Municipal Police Station Commander PCapt. June Jose Booc na nagsasagawa umano sila nang moritoring sa sinabing illegal na sabong nang makasalubong ang naturang mga tao na mayroong mga tinabas na kahoy ng niyog na walang kaukulang dokumento.

Ayon kay Capt. Booc nakuha rin sa posisyon ng mga suspek ang ginamit nitong mga chinsaw.