(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Cremated na ang mga labi ng apat na itinuring na mga opisyal ng rebeldeng New People’s Army na unang napatay ng joint operations ng militar at pulisya sa KM 32,Barangay Tikalaan,Talakag,Bukidnon.
Kaugnay ito nang pagkahawa ng mga ito ng COVID-19 infections habang nasa bundok.
Ito ay batay sa salaysay ng pulisya sa lugar nang mapanayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro ukol sa pangyayari.
Una na nang kinilala ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr ang mga napatay’ng mga rebelde na sina Carlisio Sumalinog;Jovilito Pontillas;Gary Juliana at Jelly Sugnot na lahat mayroong mataas na mga katungkulan sa armadong pakikibaka.
Sinabi ni Garello na nagsilbing malaking setback para sa kilusang CPP-NPA ang matagumpay na focused military operation ng 1st Special Forces Batallion ng 403rd IB,Philippine Army kasama ang special units at Regional Mobile Force Battalion ng PNP ang pagka-neutralized ng kanilang mga opisyal.
Maliban sa pagkasawi ng mga rebelde ay nasamsam rin ng operating troops ang 16 na na powerful firearms ng mga rebelde na kinabilangan ng
pitong M16 rifles, M203 grenade launcher,duha ka R4 carbines, M653 rifle, tulo ka M1 Garand rifle, AK47 rifle, M14 rifle,klase-klaseng magazine,bala,medisina at ibang kagamitan.
Samantala,iginiit rin ng militar na walang kahit isa mula sa hanay ng state forces na sugatan o nasawi sa halos dalawang oras na engkuwentro laban sa mga rebelde noong Miyerkules ng hapon.