Sugbongcogon municipal hall on fire in MisOr (CTTO)

CAGAYAN DE ORO CITY-Aabot sa apat na milyong peso ang naitalang damyos sa pagkasunog ng dalawang palapag na munisipyo ng bayan ng Sugbongcogon, Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Misamis Oriental Provincial Fire Marshall Supt. Greg El Bambo na batay sa kanilang imbestigasyon nagsimula ang apoy sa bodega ng munisipyo kung sa-an nakatambak ang suplay ng mga pintura at kable.

Mabilis umanong sumiklab ang apoy kung sa-an umabot pa ito sa ikatlong alarma.

Inamin rin ni El Bambo na hindi naka-responde ang sariling firetruck ng bayan dahil nasira ang clutching system nito.

Ang pahayag ni MisOr Provincial Fire Marshall Supt Greg El Bambo

Ito ang dahilan kung kaya’t nagmula pa sa kalapit na bayan ang nagrespondeng mga firetrucks.

Sinisiyasat pa ngayon ng mga fire investigator ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, nagpapasalamat naman si Sugbongcogon Mayor Mildred Lagbas Mondigo na walang mga taong nasawi o nasugatan sa sakuna.

Ang pahayag ni Sugbongcogon Mayor Mildred Lagbas Mondigo

Sa ngayon, temporaryong ginawang opisina ng mga opisyal at kawani ng bayan ang kanilang municipal gym.