(Udate) CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa apat na ang kompirmadong patay sa bomb explosion sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State Universit,Marawi City kaninang umaga.

Batay ito sa inilabas na impormasyon mismo ni Lanao del Sur Police Provincial Office Director Col. Robert Daculan na mismo nangunguna sa imbestigasyon sa pangyayari.
Sinabi ng opisyal na wala pa silang inilabas na anumang identity ng maaring mga nasa likod ng bomb explosion habang isinsagawa pa ang malaliman na pagsisiyasat.
Una rito,dumalo sa banal na misa ng paniniwalang Katoliko ang mga biktima na kinabilangan ng mga mag-aaral,mga guro at ilang mga empleyado ng unibersidad nang sumabog ang bomba.
Kaugnay nito,kinondena ni Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr ang pangyayari at inatas sa pulisya na agad lutasin ang pambobomba na ikasawi ng ilang katao at marami ang sugatan.











