Sa opening ceremony ng 66th Palarong Pambansa 2026 sa Prosperidad, Agusan del Sur, tampok ang bagong mukha ng paligsahan na sinabayan ng modernong pasilidad at mas mahigpit na seguridad. 

Ang Datu Lipus Makapandong Democrito O. Plaza Sports Complex, na sumailalim sa rehabilitasyon noong 2023, ay may kapasidad na humigit-kumulang 3,000 upuan sa grandstand, dahilan kung bakit ginamit din ang mga satellite venues sa Bayugan City, San Francisco, at Rosario.  

Isa sa mga highlight ng Palaro ngayong taon ang pagdagdag ng mga bagong sports tulad ng Weightlifting, Football para sa Secondary Girls, at Futsal para sa Elementary Girls bilang regular events. Kasabay nito, isinama ang Karate, Kickboxing, at Soft Tennis bilang demonstration sports, habang tampok naman ang Muay Thai at piling Para Games events gaya ng Sitting Volleyball at Table Tennis bilang exhibition, na nagbigay-diin sa mas inklusibong paligsahan.  

Sa usapin ng seguridad at kaligtasan, naka-deploy ang PNP, AFP, BFP, DOH, PDEA, at iba pang ahensya upang tiyakin ang kaayusan at kalusugan ng mga kalahok. 

Upang maiwasan ang heat stress, itinakda ang mga laro sa hapon at gabi, habang may mga hydration stations at steady water supply sa lahat ng venues. 

Nagsagawa rin ng simulation drills para sa sunog, lindol, at evacuation bago ang aktwal na kompetisyon, bilang paghahanda sa anumang emerhensiya.  

Bawal makapasok sa sporting venues ang mga indibidwal na magdala nga back pack, water bottle, matutulis na bagay at ini-inganyo ng mga pulis ang mga supporters na respetuhin ang rules nga paligsahan. 

Bawal rin magtapon ng basura kahit saan.

Nasa mahigit 2000 pulis, ang ideneploy sa lahat ng pampublikong paaralan kung saan sisimulan ang mga laro ngayong araw.

Hindi pa kasali sa nasabing bilang ang deployment ng iba pang law enforcement agencies para sa seguridad ng mga atleta.