Nagpahayag ng malaking pasasalamat si Tagoloan Municipal Mayor Atty. Nadya Emano matapos ipangako ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na ang proyekto sa susunod na taon.

Ayon sa alkalde, isa sa kanyang kahilingan ay ang pabilisin ang trabaho upang kung maaari ay hindi na umabot sa Hunyo 2027 ang pagtatapos ng tulay.

Dagdag pa ni Emano, malaking tulong ang proyekto dahil ang bayan ng Tagoloan ay nagsisilbing daanan ng mga sasakyan mula Cagayan de Oro patungong Butuan, Iligan, at Zamboanga.