CAGAYAN DE ORO CITY – Naghahanda na ang Cagayan de Oro City Water District (COWD) sa banta ng El Niño phenomenon sa pamamagitan ng kanilang Emergency Response Plan.

Ayon kay Board of Directors Chairman Dr. Gerry Caño, ilalabas ngayong buwan ang mga solusyon kabilang ang water pressure control at posibleng rasyon sa ilalim ng Level 4 kung bumaba ang supply.

Nakipag-ugnayan na rin ang COWD sa Bureau of Fire Protection, DENR, at NIA upang mapaghandaan ang pagbaba ng tubig mula sa kanilang dalawang bulk water suppliers na COBI at South Balibago.