Sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month, iginiit ng ACT Philippines na ayusin ang sistema ng edukasyon. Ayon kay Chairperson Ruby Bernardo, baratong labor ang trato sa mga guro tuwing eleksyon.
Hiniling niyang itaas ang bayad sa BSKE teachers at alisin ang non‑teaching duties na dagdag pasanin sa kanila.
Nanawagan din siya ng ₱50,000 entry‑level salary para sa mga guro bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel.
Giit ni Bernardo, dapat ibalik ang nabawas na ₱44.5 bilyon para sa libro at feeding program ng kabataan.
Sinabi rin ng guro na ang kakulangan sa badyet ay direktang nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon.
Aniya ang reporma ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga guro kundi para rin sa kinabukasan ng mga mag-aaral.











