CAGAYAN DE ORO CITY – Matapos ang pagboto ng libu-libong mamamayan sa BARMM Parliamentary Elections, tiniyak ng 103rd Infantry “Haribon” Brigade ang seguridad sa Lanao del Sur.

Ayon kay Brig. Gen. Jessie R. Montoya, kritikal ang yugto ng pagbibilang at pag-turnover ng mga balota sa regional canvassers.

Sa Kampo Ranao sa Marawi City, nakapwesto ang Election Monitoring Action Center bilang sentro ng pagbabantay at deployment ng mga sundalo. Mahigpit ang koordinasyon ng COMELEC, AFP, PNP, at lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na halalan hanggang sa panunumpa ng mga mananalo.

Kinumpirma rin ng AFP na walang ipinakitang paglabag ang mga kasapi ng MILF sa pamumuno ni Kumander Bravo.