CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinanawagan ni PBGen. Nestor Babagay Jr., Regional Director ng PRO-10, ang pagpapatuloy ng heightened alert status sa buong Northern Mindanao.
Aniya, nagsagawa sila ng inspeksyon sa iba’t ibang police stations upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan.
Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabantay lalo na sa nalalapit na Barangay at SK Elections sa Nobyembre 2.
Nanawagan din siya ng kooperasyon mula sa publiko upang mapanatili ang kapayapaan sa halalan. Tiniyak ng kapulisan ang kanilang buong dedikasyon sa kaligtasan ng lahat.











