Hindi itinanggi ng abogadhong si Atty. Pat Trimor ng Trimor Law Office na maaari talagang isipin na isa lamang pampulitikang sarswela ang nangyayaring impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Nilinaw ng abogado na tila ginagawa lamang ang hakbang na ito upang pagtakpan at limutin ng publiko ang mas malawak na kontrobersya ukol sa flood control corruption sa bansa.

Ipinahayag din ng abogado na sa loob ng 32 araw at 13 linggong takbo ng pagdinig, wala pa ring nakikitang mabigat na batayan upang pababain ang Bise Presidente sa posisyon.

Dahil dito, itinuro ng legal expert na nananatiling walang saysay at aksaya lamang sa pondo ng bansa ang mga isinasagawang pagdinig dahil sa kawalan ng napatunayang akusasyon.