Nananatiling malaking katanungan sa mamamayan ang kawalan ng live stream sa sinasabing budget deliberation para sa 2027 noong Oktubre 15 na tumatalakay sa pera ng publiko.
Ipinahayag ni Former CDO Chamber of Commerce President Ray Talimio Jr. na hindi na dapat maging balakid ang teknolohiya sa kasalukuyan dahil isinasagawa naman ang pag-live stream sa regular na session ng City Council tuwing Lunes.
Dahil dito, ipinaliwanag ng lider na mahalaga ang transparensya sa pamamahala upang makita ng lahat ang pagsusuri at pagtatanong sa itinutulak na pondo ng bawat departamento.
Gayunpaman, pinalagdaan pa rin ng mga konsehal ng lungsod ang inirekomendang badyet matapos ang mabilis na pagtalakay at pagpasa sa Annual Investment Program.











