Naging matagumpay ang isinagawang National Executive Board Meeting ng League of Cities of the Philippines kung saan ang lungsod ng Cagayan de Oro ang nagsilbing host sa naturang malaking pagtitipon ng mga alkalde sa bansa.

Ipinahayag ni City Information Office Information Officer Jade Adeser na umabot sa 27 alkalde ang dumalo sa naturang pagpupulong habang ang iba ay nagpadala ng opisyal na kinatawan.

Dahil dito, tinalakay sa naturang pagtitipon ang mga solusyon sa problema ng bawat lungsod at ang pagbibigay ng suporta mula sa pambansang pamahalaan.

Samantala, nananatiling bukas ang lungsod sa pagbabahagi at pagkuha ng magagandang pamamaraan mula sa ibang lokal na pamahalaan upang mas mapaunlad pa ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.