Isinagawa noong nakaraang araw ang isang caravan ng mga bagong electric vehicle o EV taxi sa Cagayan de Oro.
Nagpahayag si Cagayan de Oro Federation of Taxi Drivers and Operators Association (CAFITADA) President Bernie Jamaca na mula sa China ang mga naturang unit na may sukat na angkop para sa limang pasahero kung saan inalalayan din ito ng Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng SBCorp para sa financing program ng mga operator.
Sa pamamagitan nito, pinagsisikapan ng samahan na mapabilis ang pagpapalit ng mga sasakyan patungo sa mas kumportableng EV taxi.
Samantala, nananatiling nagkakaisa ang mga organisasyon sa pagtulak ng mas mababang downpayment mula sa mga bangko.











