Tinulungan ng Department of Education sa Cagayan de Oro at DSWD na makapagtapos sa pag-aaral ang graduating na Grade 6 pupil matapos ang nangyaring stabbing incident sa loob ng Macabalan Elementary School.

Nagpahayag si DepEd CDO Program Director Head Romeo Aclo na maayos na ang kondisyon ng biktima habang ang nanaksak na bata ay dinala sa DSWD kung saan binago ang paraan ng pag-aaral nito sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modes.

Dahil dito, ipinaliwanag ng opisyal na parehong biktima ng sirkumstansya ang dalawang minor
de edad kaya isinagawa ang psycho-social debriefing para sa kanilang ikabubuti.

Samantala, nilinaw ng tanggapan na hindi manghihimasok ang departamento sa patuloy na imbestigasyon at kasong hawak ng kepulisan.