Tiniyak ng Misamis Oriental Provincial Jail ang tamang paghahanda at pagsusuri sa bentilasyon sa loob ng pasilidad para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa gitna ng init ng panahon.
Nagpahayag si Misamis Oriental Provincial Jail Warden Ret. PMAJ Rogelio Labor Jr. na walang problema sa bentilasyon at walang singaw ang mga selda dahil gawa sa kapal na semento ang bubong at gusali ng bilangguan.
Dahil dito, binawasan din ng pamunuan ang sunning time ng mga bilanggo kung saan ginagawa na lamang ito sa hapon sa covered court upang makaiwas sa sobrang init ng araw.
Subalit, naglagay pa rin ang mga opisyal ng mga malalaking stand fan sa loob ng pasilidad upang matiyak na manatiling presko at kumportable ang kalagayan ng mga babae at lalaking PDL.











