Tinitingnan ng National Alliance of Broadcast Unions na isang uri ng pananakot at panggigipit sa malayang pagpapahayag ang pagsasampa ng kaso laban sa mga peryodista ng GMA Network.

Ipinaliwanag ni Jon Villanueva, Presidente ng NABU-SENTRO, na peligroso itong hakbang para sa mga media workers na nagtutupad ng responsibilidad sa publiko.

Idinagdag din ng pangkat na paalala ito sa nakaraan at kasaysayan ng ABS-CBN na pinatayan at ipinasara ang balitaan dahil pa rin sa katulad na pag-atake sa malayang pagpapahayag.