Magsisimula na bukas, Oktubre 31, ang deployment ng kepulisan sa lahat ng sementeryo para sa Undas 2026.

Ibinunyag ni COCPO Spokesperson Major Emilita Simon na 162 pulis ang ilalabas para sa 21 sementeryo sa lungsod ng Cagayan de Oro, kasama ang force multipliers at partner agencies.

Dugtong pa ng opisyal, magkakaroon ng dalawang shift ang deployment simula alas-singko ng umaga hanggang alas-onse ng gabi dahil sa pagbabawal sa overnight.

Dahil dito, nagbabala ang tanggapan sa publiko na sundin ang mga alituntunin sa seguridad upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.