Binatikos ng Save Bangsamoro Movement ang paraan ng pagpapatakbo sa BARMM Parliament na idinidikta pa rin ng kapangyarihan at interes ng ilan.
Nilinaw ni Datu Tokz Bin Abdurrahman ng Save Bangsamoro Movement na hindi ito ang awtonomiya na ipinaglaban at pinangarap ng buong Bangsamoro.
Nagpahayag ang opisyal na ang isang lehitimong parliament na kinabibilangan ng 80 miyembro ay kinakailangang gumalang sa boses ng bawat isa at hindi lamang magpadikta sa kagustuhan ng patuloy na namamahala sa bansa.
Nagmo-monitor din ang grupo sa pagkilala sa minority group upang matiyak na makapagsasalita ang tunay na boses ng mamamayan sa rehiyon.











