Nagtala ang Police Regional Office 10 ng zero Undas-related incident sa buong Hilagang Mindanao batay sa inilabas na ulat ng tanggapan kagahapon para sa Ligtas Undas 2026.
Batay sa datos ng Regional Tactical Operations Center, hawak ng rehiyon ang pangkalahatang payapang sitwasyon sa kabila ng pagdagsa ng mahigit 679-libong bisita sa mga sementeryo simula Oktubre 30 hanggang hapon ng Nobyembre 2.
Nagpahayag si PRO-10 Spokesperson PMAJ Joan Navarro, sa ngalan ni Regional Director PBGen. Nestor Babagay Jr., na bunga ito ng isinagawang hakbang ng kepulisan katuwang ang mga lokal na pamahalaan at force multipliers.
Sa kabila ng mahigit 400 na nakumpiskang ipinagbabawal na gamit sa checkpoints, nanatiling ligtas at walang naitalang malalaking kaguluhan sa buong rehiyon.











