Sinimulan na ang Higalaay Holiday Market sa Rio de Oro Boulevard sa Cagayan de Oro at tatagal lamang hanggang December 20.
Ayon kay Marky Jalapadan, acting city tourism officer ng lungsod, pinaaga ang pagbubukas ng aktibidad ngayong taon upang mabigyan ng panahon ang mga pamilya sa pag-bonding, pagbiyahe, at pagdalo sa mga reunion at Christmas party simula December 21.
Dagdag pa ng opisyal na ikatlong taon na ito ng holiday market tuwing Pasko at may iba’t ibang pakulo, dekorasyon, at aktibidad na ihahanda ang lungsod para sa mga residente at bisitang dadayo.
Pinaghahandaan na rin ng pamunuan ng turismo ang mga dekorasyon sa JR Borja Bridge, Ysalina Bridge, Divisoria, at mga boulevard upang maramdaman na sa lungsod ang papalapit na Pasko.











