Lumamang na nang kaunti ang kita sa dolyar mula sa business process outsourcing sector kumpara sa remittance ng mga overseas Filipino worker, ngunit kulang pa rin ito upang patatagin ang ekonomiya.
Ayon sa ekonomista at dating bise gobernador na si Joey Pelaez, nananatiling malaking tulong ang BPO at OFW remittance habang bumabagal ang household consumption sa bansa.
Ibinunyag ni Pelaez na kinakailangang paunlarin ng bansa ang produksyon sa agrikultura upang mabawasan ang pag-angkat na umaaksaya sa dollar reserve ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Itinuro din ng dating opisyal na napakababa ng export ng bansa kung ikukumpara sa ibang bansa tulad ng Vietnam dahil sa kakulangan ng manufacturing.











