Kinondena ng Moro Consensus Group ang ipinagpatuloy na military operation at ground invasion ng puwersa ng Israel sa Central Gaza malapit sa mga refugee camp.
Nagpahayag si Drieza A. Lininding, convenor ng naturang grupo na ikinagagalit ng pangkat ang naturang opensiba kahit pa may napag-usapan nang ceasefire at nagpapatuloy pa rin ang pag-atake sa himpapawid.
Ipinaliwanag ng lider ng pangkat na tila wala lamang sa gobyerno ng Israel ang panawagan sa karapatang pantao at ang pagtutol ng iba’t ibang bansa sa mundo.
Dagdag pa rito, pinasalamatan din ng grupo ang paninindigan ng Pilipinas sa pagtataguyod sa international law at rules-based foreign policy.










