May naitala nang pinsala ng Super El Niño sa El Salvador City, Misamis Oriental at Iligan City batay sa datos na isinumite ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Region 10.
Ayon kay RDRRMC-X Chairperson Antonio B. Sugarol, naapektuhan na ang mga plantasyon ng mais at palay sa El Salvador habang nagpapatuloy pa ang damage assessment at analysis sa 17 barangay sa Iligan City.
Ipinaliwanag ng naturang opisyal na mas palalakasin pa ng tanggapan ang pagmo-monitor katuwang ang PAGASA at mga local government unit lalo na’t inaasahang tatagal pa hanggang Marso 2027 ang epekto ng tagtuyot ayon sa DOST.
Idinagdag pa ng pamunuan ng konseho na bilang paghahanda, nakatakda ang pagpupulong ng mga kinauukulang ahensya na may malaking kaugnayan sa pagtugon sa dalang epekto ng Super El Niño sa Northern Mindanao upang pag-usapan ang nararapat na interbensyon at matulungan ang mga maaapektuhang lugar.










