Ikinagulat ng dating diplomat na si Atty. Jojo Lacanilao na may apat na mahistrado sa Korte Suprema na tumutol sa pagbasura ng habeas corpus petition para kay dating Presidente Rodrigo Duterte.
Ayon sa dating diplomat, mahirap unawain kung paano ipatutupad ang habeas corpus kung ang tinutukoy na indibidwal ay nasa The Hague na at hindi na maaabot ng kamay ng lokal na hustisya.
Ipinahayag ng naturang abogado na ang habeas corpus ay magagamit lamang kung nasa kustodiya pa dito sa bansa ang tao upang masuri ng hukuman ang kalagayan ng naturang dating lider.
Binigyang-diin ni Lacanilao na kung may isyu sa ilegal na pagdakip, ibang paraan o kaso ang dapat gamitin imbes na umasa sa habeas corpus na wala nang bisa.









