Muli ring nagpaalala ang Cagayan de Oro Press Club na pakinggan at suriin nang mabuti ng publiko ang pagkalehitimo ng mga impormasyon online lalo na sa sensitibong balita matapos kumalat ang gi-edit na video ukol kay Congressman Lordan Suan sa ika-75 anibersaryo ng organisasyon.
Nagpahayag si Hanni Pesos, presidente ng COPC, na hindi minamaliit ng prensa ang ibang online content creator o vlogger, ngunit mas mapagkakatiwalaan ang mainstream media dahil pinoprotektahan ng mga miyembro ng prensa ang kanilang kredibilidad.
Ipinaliwanag ng presidente ng press club na malaki ang dapat bantayan laban sa disinformation at misinformation na madali lamang makapasok sa social media.
Itinuro din ng lider ng prensa na ang pagpapanatili ng mapagkakatiwalaang pagbabalita ang pangunahing pananggalang laban sa maling paratang at pekeng post.











