Ipinaglaban ng legal counsel ng United People’s Initiative na lokal na korte at lokal na warrant of arrest lamang ang dapat humawak sa status ni Senator Bato Dela Rosa sa halip na ang International Criminal Court.

Nagpahayag si Atty. Melchor Magdamo na yamang gumagana at bukas naman ang Korte Suprema at ang mga korte sa bansa, napakadali lamang itong desisyunan ng mataas na hukuman.

Ipinalwanag ng abogado na ang pagpayag sa ICC ay isang paglabag sa soberanya ng Pilipinas.

Dahil dito, naghain na rin ang nasabing grupo ng legal na aksyon laban sa nasabing tribunal upang protektahan ang integridad ng hudikatura ng bansa.