Nagpaabot ng muling panawagan ang United People’s Initiative sa Korte Suprema na desisyunan na ang petisyon laban sa pag-aresto kay Senator Bato Dela Rosa.

Ipinalwanag ni UPI Secretary General Capt. Rey Valeros Jr. na nag-aalinlangan ang hukuman dahil ang pagpabor kay Dela Rosa ay pag-amin din sa kanilang kapabayaan noong ipaglaban si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Idinagdag ng opisyal na kung papayagan ng mataas na korte ang pag-aresto nang walang lokal na warrant, malaking sugat ito sa integridad ng hudikatura sa Pilipinas.

Dahil dito, hinalamon ng grupo ang mga mahistrado na ipaglaban ang mamamayan at panindigan ang batas ng bansa.