Inilunsad ngayon ng mga progresibong grupo ang “Trump Out Campaign” upang tutulan ang inaasahang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa ngayong buwan.

Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan Spokesperson Teddy Casiño na ang nasabing hakbang ay kontra rin sa iniaalok na Pax Silica at sa patuloy na pagdami ng mga sundalo at pasilidad ng militar ng Amerika dito sa Pilipinas.

Itinuro ng opisyal na ang paglalagay ng mga missile system at pasilidad ng US ang humihila sa bansa sa digmaan laban sa China na nagdadala ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin sa merkado.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa mamamayan na harangan ang pagdating ng pangulo ng Amerika at ang pagpasok ng militar ng ibang bansa.