Naglabas ng klaripikasyon ang isang Bangsamoro lawyer kaugnay ng mga balitang ang Moro National Liberation Front o MNLF ang nagtatago kay Senator Bato Dela Rosa.

Sinabi ni Atty. Badrodin “Bador” Mangindra na sa kanyang tingin, walang opisyal na desisyon ang nasabing organisasyon upang itago ang senador sa kanilang mga kampo.

Itinuro ng abogado na kung sakali man na narito ito sa Mindanao, posibleng personal lamang na tulong mula sa kanyang mga malapit na kaibigan at hindi inaprubahan ng buong grupo.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa gobyerno na tiyakin ang pagproseso ng impormasyon sa halip na magpataka ng hinala sa mga grupo sa Mindanao.