Binatikos ng isang Bangsamoro lawyer ang iniaalok ng pamahalaan na 50-million pesos na gantimpala para sa pagdakip kay Senator Bato Dela Rosa.
Ipinalwanag ni Atty. Badrodin “Bador” Mangindra na isang malaking paglabag at pagsasayang sa pera ng bayan na gamitin ang pondo ng bansa para lamang isuko ang isang Pilipino sa internasyonal na korte.
Inihirit ng abogado na mas mabuti pang ginamit ang nasabing salapi upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng matinding krisis sa Mindanao at sa ibang lalawigan.
Dahil dito, inihayag ng opisyal na ang pag-aalok ng reward money ay resibo na hanggang ngayon ay nalilito at hindi talaga matunton ng gobyerno kung saan naroroon ang senador.











