Naging susi ang pag-activate sa Incident Management Team o IMT sa pagprotekta sa kaayusan at kapayapaan sa tatlong araw na pagdiriwang ng Kalag-Kalag 2026 sa Cagayan de Oro.

Ipinalwanag ni City Information Officer Jade Adeser na sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order ni Mayor Rolando “Klarex” Uy simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, naging maganda ang koordinasyon ng LGU, kepulisan, at iba pang mga ahensya.

Idinagdag ng opisyal na kabila ng dagsa ng labis sa 34,000 bisita sa City Memorial Park—na mas mataas kumpara sa nakaraang taon—napanatili pa rin ang free-flowing at ligtas na galaw ng mamamayan.

Dahil dito, walang naitalang malalaking insidente sa lungsod maliban lamang sa maliliit na minor medical concern ng mga senior citizen at mga bata.