Minamadali na ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang mga hakbang at paghahanda para sa 5 hanggang 6 na buwang hamon ng Super El Niño na tatagal hanggang sa unang kwarter ng taong 2027.
Inihayag ni City Information Officer Jade Adeser na nagpatawag agad ng pagpupulong si Mayor Rolando “Klarex” Uy sa lahat ng pinuno sa City Hall upang tiyakin ang mga plano at inatasan ang lahat na maghanda sa matinding init.
Ipinalwanag ng opisyal na kabilang sa mga preparasyon ang pag-download ng 5-percent disaster risk reduction fund sa mga barangay, pagpapatupad ng water rationing, at paghahanda ng financial aid para sa mga apektadong magsasaka.
Dahil sa nasabing sitwasyon, tiniyak ng pamahalaan na ginagawa ng LGU ang lahat ng makakaya upang mabawasan ang epekto ng krisis sa bawat pamilyang Kagay-anon.











