Muling pinatunayan ng mga kabataan na tama ang kasabihan ni Dr. Jose Rizal na sila ang pag-asa ng bayan sa pamamagitan ng kanilang aktibong pagpoprotesta at pagsasalita laban sa mga suliranin ng lipunan.
Nakita ni Alliance of Concerned Teachers Northern Mindanao coordinator Roland Cruz na nagising na ang mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad sa Mindanao matapos ang sunod-sunod na isyu sa korapsyon, flood control, pagmamahal ng bilihin, at ang planong proyektong Pax Silica.
Idinagdag ni Cruz na naunawaan na ng kabataan na hindi ang ordinaryong Pilipino ang makikinabang sa naturang proyekto kundi ang mga dayuhan habang ang mga magsasaka at katutubo ang unang maaapektuhan.
Pinuri ng grupo ang tapang ng mga mag-aaral sa paninindigan para sa kapakanan ng taumbayan at pagpapakita ng malasakit sa kinabukasan ng bansa.











