Sinuri ni House of Hope Foundation Inc. psychiatric nurse Julie Mae Maisog-Robles ang bagong polisiya ng Department of Education na nagpapalawak sa depinisyon ng bullying at naglalatag ng posibleng expulsion sa mga mapapatunayang nang-bully na mag-aaral.
Ipinaliwanag ng nurse na kasama na sa itinuturing na pambu-bully ang verbal, psychological, social, cyberbullying, at gender-based bullying bukod pa sa pisikal na pananakit.
Nilinaw ni Maisog-Robles na hindi basta-basta ang pagpapataw ng expulsion dahil dadaan pa ito sa proseso ng imbestigasyon at mga antas ng paglabag.
Idinagdag ng psychiatric nurse na may itatalagang Learner Formation Officer na hiwalay sa guidance counselor upang matiyak ang patas na paghatol na hindi madadala sa impluwensya o katungkulan ng magulang.











