CAGAYAN DE ORO CITY-Nakasuot pa ng kanyang uniporme ang isang pulis na ipinasok sa kulungan matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Zone 3 Taboc, Opol, Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sergeant Marie Joe Molina Tejada, 40, may asawa at nakadestino sa Quarantine checkpoint sa naturang lungsod.

Sinabi ni Opol Municipal Police Station Commander Major Ian Borinaga na maliban sa isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nabili sa suspek, nakuha rin sa posisyon nito ang karagdagang tatlong sachet na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Mariin namang itinanggi ng suspek na pagmamay-ari niya ang mga illegal na droga na nakuha sa kanya.