CAGAYAN DE ORO CITY – Nagulantang ang pamilya Rodriguez nang pinagtangkaan na pasabugan ng granada ang kanilang ancestral house sa Barangay Nazareth,Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos namataan ang motorcycle in tandem suspects na umano’y naghagis ng granada subalit hindi nakasabog sa garage area ng kanilang bahay kaninang madaling araw.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Deputy House Speaker Rufus Rodriguez na wala pa umano sila’ng ideya kung ano ang posibleng motibo sa pangyayari.

Bagamat wala namang naiulat na anumang danyos subalit naramdaman ng matinding takot ang mga kasamahan ng kongresista sa nabanggit na bahay.

Si Rodriguez kasama ang kanyang maybahay at nag-iisang anak babae ay ilang buwan nang nanatili sa Maynila dahil na rin sa pandemya ng COVID-19.

Ipinagkatiwala na lamang nito sa pulisya ang pagtukoy sa mga salarin ng kremin.

Si Rufus ay nasa kanyang unang termino pa bilang kongresista ng segundo distrito simula nang makabalik ito sa Kamara noong 2019 elections.