CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong murder ang lalaking pumatay sa kanyang live-in partner sa Purok 4B Bayabason, Maramag Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Ruel Rafols, 27, habang ang biktima naman ay si Maricel Durendez, 42-anyos.

Sinabi ni Capt. Sabino Labitad, deputy ng Maramag Municipal Police Station na matinding selos ang nag-udyok sa suspek na tagain ang ulo at saksakin sa katawan ang biktima.

Nagduda umano ang suspek na may ibang kalaguyo ang kanyang minamahal kaya umusbong ang away na nagresulta sa madugong insidente.

Nakuha sa crime scene ang bolo at kutsilyo na ginamit na krimen.