Nanawagan ngayon ang grupo ng mga domestic worker na amiyendahan o baguhin ang mahigit sampung taong Batas Kasambahay dahil sa kahinaan ng pagpapatupad nito at sa mga probisyong hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

Ibinunyag ni Himaya Montenegro ng United Domestic Workers Philippines at Pinay Careworkers Transnational sa kanyang panayam sa Bombo Radyo, na isinusulong nila sa ilalim ng House Bill 11764 ang pagsama sa proteksyon para sa mga platform worker, caretaker, at mga kasambahay o katulong na may multiple employers.

Dagdag pa ni Montenegro, karamihan sa mga barangay ang nagrereklamo sa kakulangan sa pondo kaya kinakailangang obligahin ng estado ang paglalaan ng sapat na budget upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng naturang batas.