Nilinaw ni Motorela Association President Paul Cempron na balik na sa P10 ang regular na pamasahe at P8 ang discounted na pamasahe sa rela kasunod ng pagbaba sa P71 ng presyo ng gasolina.

Ibinunyag ni Cempron na kabilang sa P8 na pamasahe ang mga mag-aaral sa elementarya bilang special privilege, senior citizen, at person with disability.

Pinaalalahanan din ng lider ng asosasyon na labag sa batas ang panunukli ng limang piso mula sa dalawampung piso at pagsasabing walang ibang panukli sa mga pasahero.

Nanawagan ngayon si Cempron sa mga pasahero na isumbong ang mga abusadong drayber sa mga opisyal ng terminal upang masampahan ng aksyon.