Nangangamba si SENTRO Secretary General Josua Mata sa halos P241 bilyon sa budget na umano’y posibleng maging patronage fund ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Mata, malaking banta ang naturang pondo lalo na’t papalapit ang eleksyon at mas mapalalakas pa ang political dynasty.

Ayon kay Mata, mababawasan ang pondo sa serbisyo at tila magiging manlilimos na lamang ang mga tao sa mga politiko, imbes na matanggap ng taumbayan ang serbisyo bilang karapatan.

Nanawagan si Mata na suriin nang mabuti at patunayan ng Senado na malinis sa pork barrel at patronage politics ang budget bago aprubahan ang naturang pondo.